Love Ties

Love Ties
Most things in the world aren't black, aren't white, aren't wrong, aren't right, but most of everything is just different. And now I know that there's nothing wrong with different, and that we can let things be different, we don't have to try and make them black or white, we can just let them be grey.

Friday, August 31, 2012

Pagkabigo.

Ayon hindi ko naman alam paano sisimulan to pero ayan lumang style na tong ginagawa ko gumagana naman eh. May pang intro. Anyway, these past few weeks sobrang daming nangyari. Madami dami din akong nasa isip na gusto ko sanang iblog. Yung iba nasulat ko na ayoko lang i-publish kasi nakakahiya lang din minsan. Baka kung ano pa isipin ng mga makakabasang kakilala ko. Sobrang frustrated ako sa mga pinagsusulat ko hindi ko kayang ibahagi. Pakiramdam ko kasi hindi ako maiintindihan ng mga tao. Siguro ako din ang may problema kaya hindi nila ako maintindihan. Sobrang daming frustrations. Frustrations o pagkabigo. Ano ba to bakit kailangan pa may ganito. Dito ko naisip bakit nga ba nagbibigo tayo sa buhay buhay natin. May naisip akong tatlong siguro pinakadahilan na din bakit tayo nabibigo o ika nga nafufrustrate.

Ang pinakauna para sa akin ay ang maling panahon na ikinabubuhay natin. Ibig kong sabihin ay yung mga taong nabubuhay sa nakaraan at nabubuhay sa hinaharap. Siguro lahat ng tao pinagdadaanan ito. Sa dinami ng mga masasaklap na pangyayari na nakaraan ng isang tao. Isinasakripisyo mo yung sarili mo ngayon hindi ka makagalaw ng maayos hindi ka makaisip ng tama dahil sa nangyari sa nakaraan. Nasisira ang kasalukuyan pati hinaharap natin dahil sa masyado nating pag-iisip sa nakaraan. Yung mga pag-iisip na paano kaya kung ganito, paano kaya kung ganon, paano kung hindi ko, paano kung.... at marami pang iba. Siguro wala naman masama kung isipin natin kaya lang hindi dapat tayo mabuhay sa nakaraan. Tama lang na magbalik tanaw tayo, malungkot, matuwa at kung ano pa man sa ating nakaraan. Sana gawin na lang natin tong inspirasyon para magpatuloy sa buhay hindi maging balakid sa atin. Marami rin naman mga tao na sobrang nabubuhay sa hinaharap. Ipon dito, ipon doon. Tipid dito, tipid doon.  Asan na ang pera nakatago tago lang ng tago. Para sa hinaharap may pang gala at pang puntang ibang bansa. Ngunit pagdating naman ng panahon hindi na kayang makalakad hindi na kayang kumilos at maglakbay pa. Ginamit ang lakas ng katawan upang kumayod ng kumayod lamang nakakalimutan na ang sarili. Kaya't nagiging miserable o nabibigo tayo sa ngayon. Sabi nga nila "Live for today. Dream for tomorrow. Learn from the past." at gaya din ng sabi sa KungFuPanda " You are too concerned with what was and what will be. Yesterday is history, tomorrow is mystery, today is a gift, that's why it's called the present." 

Ang ikalawa naman ang expectations o yang pagaasam. Dahil dyan maraming ng nabigo. Sa mga magulang na nageexpect sa kanilang mga anak. Ano ba namana ng kakayahan ng inyong anak. Mapipilit pa ninyo ang hindi niya gusto at magaasam kayo ng mataas? Maraming mga anak ang natatakot na baka hindi niya mapasaya ang kanilang mga anak dahil alam nilang sila ay inaasahan ng kanilang mga magulang. Dahil dito sa takot na ito, hindi makakilos ng tama at madalas lalong nasisira ang agos ng buhay. Madalas kapag hindi nakamtam ng anak ang inaasahan sa kanila ng mga magulang ay galit at palo ang inaabot. At ang mga anak nama'y umaasang lagi silang maiintindihan ng kanilang mga magulang. Umaasang maging tama ang mga maling ginagawa na wala naman silang kamuang-muang. Umaasang hindi sila papagalitan natin sa kamalian dahil alam nilang nagenjoy lang naman. Umaasang ibibigay lang lahat sa kanila at mananatiling malakas ang mga magulang habang panahon. Sana wag nalang tayo masyado mag expect. Hindi naman masama huwag lang yung sobra sobra. Hindi lang ito sa pamilya. Nangyayari din ito sa mga relasyon at mga pagkakaibigan. Mahirap hindi umasa pero kaya din naman natin na sabihin na lang kung ano yung saloobin na atin. Hindi yung kapag hindi natin natamasa yung inaasahan natin ay masisira tayo, mabibigo at masasaktan ang parehong tao. Pero huwag din natin kalimutan, sa sense na ang expectation na yan at isang flipside ng obligation; Kapag ang isang tao ay may obligasyon sa iyo, you usually have an expectation that that obligation will be fulfilled. Anyways medyo malalayo na at naiintindihan na naman ang punto. At sabi mga ni William Shakespeare - "Expectation is the root of all heartache"

At ang huli naman ay ang "unopenness." Madalas nakakalimutan natin ito, ang maging open sa mga bagay bagay. Masyado tayong nabubulad na sa kung ano lang ang tanggap sa atin. Tanggap sa lipunan, pamilya o social norms. Sana bigyan natin ang sarili natin ng lawak ng pag-iisip. Para sa ilang mga pagkakataon mahahayaan natin ang ating sarili na makapagisip sa mga bagay bagay. Hindi na lang tayo basta basta mabibigo dito. Magkaroon tayo ng openness to God's grace. O kung sino man ang iyong pinaniniwalaan. Iisa lang din naman iyan na nagbibigay ng biyaya rin.

No comments:

Post a Comment